FEATURE OF THE MONTH

Wednesday, August 30, 2017


I started to enroll for an online course of Architecture..
--
I only have 6 months to complete it. I havent checked the online excersises provided so.. I have no idea if it's really of my capabilities to pass. Of course, I'll do my best to meet it's criteria. The passing grade is of 60 percent . I haven't told my parents. Nor Im doing the online data entry to earn some pocket money. He-he. So that's how my situation is.

The introductory lesson was interesting , to the fact that my first year HOA teacher was able to tackle.

Architecture is when an object disappears but it's subject remains.
--
Tomorrow, I'll go to MIA. Hope we get there safely. If I have pictures to sell on the way and back I'll post it here.

[ Letter 011 : Liham para sa nagmahal ]

Thursday, August 10, 2017

May event sa mall dun sa Manila.
dumating ka, nauna ka.
nakita ko sa blackboard may sinulat ka...
Cursive. 
Maganda.
May hawak akong maliit na papel nung araw na iyon at kelangan kong burahin yung mga sinulat mo.
Sana binasa ko,
kaso yung huling linya lang ginawa ko.

Lovelots.

Hindi R, kundi lovelots. Yung pinangalan ko sayo. Binura ko na parang wala lang, pero kumirot sa puso ko ginawa mo. Mga ginawa ko. Galit ako, at galit parin ako sa ginawa mo.Sa mga umattend ng event, sa maliit na espasyo na iyon, sumigaw ako para marinig nila yung mga salita ko. Pero yung mga yun direkta lang sayo, pero kelangan kong isulat sa board yung nasa papel.

Nag umpisa na akong magsulat sa blackboard, unang binura ang Lovelots. Andun mga kaklase ko, Si Zayra, Si Carlito... sa harap ng blackboard may nakaharang na mga silya, yung pang elementarya. Yung mga kahoy na sira ang ilalim para sa paa.Mataas yung board kaya ibinigay sakin ni Zayra yung isa sa mga silya. May itinanong sya, sabi ko nang pabulong yung ex ko anjan,
yung ex ko anjan...
yung ex ko anjan... 
sabay sa mga salitang iyon ang panibagong panulat sa board.

Natapos ko ba? Di ko tanda pero napatigil ako nung nakita kita malapit sa kinatatayuan ko. 
Bakit? Anong meron? 

Sa mga oras na iyon, tumabi ako sa kinauupuan mo. May mga sinabi ba ako?
Di ko tanda.

Masaya ako sa loob loob ko, kahit ganun ka. Martir talaga ako. (lang sayo.) Matagal tagal din kitang di nakausap. Nasabi ko sa third party character, I havent talked to him personally since 2012?2013? True though, we havent talked , see each other since the video calls Ive miss we used to do.I think it was unfair, and overwhelming just to be with you.

So nagpatuloy tayo sa pag-uusap... pero biglang may dumating... tatay mo.
Bakit? Anong meron?

Tumakas ka pala sa inyo para maka attend sa event. At yung mommy mo di daw kayo nagkakasundo. So your father dragged you outside the room, I followed. Babalik ka na ng Iloilo?! Your dad was waiting by the door, why.... dont.... Dont! Hinawakan ko, hinila yung tela ng damit mo. Pinigilan kita. sa isip isip ko sasabihin ko bang mahal kita? Tang ina. Ako aamin? Matagal ka nang talo Brigette! Nanalo ang mga linya kesa sa puso ko. Napatigil ka pero di ka lumingon sakin. Bumulong ako sa tenga mo. 

SALAMAT HA.

Binitawan kita, at umalis kana. 

Di ko alam kung bakit. Sa pagkakataong iyon nakita ko sarili ko sa kwarto mo. Two floors pala bahay nyo , kahoy pa yung kwarto mo. Andun ka. Sa hagdan nagtatago yung tatay mo, humakbang ako papunta sa mga tinititigan nya.
Nakita kita.
Andun sa working table mo, you've just finished your bath judging from the clothes you were wearing. Di rin ako lumapit nang msyado. Minamasdan kita sa ginawa mo. Umiiyak ka, yung isa mong kamay pinapawi mga luhang pumapatak sa mga mata mo. Humihikbing nakakapanakit sa tatlong taong andun. Ako na parang hangin, ikaw na umiiyak at ang tatay mong di malaman ang gagawin.

Sa kabilang kamay, hawak mo ang mga pilas ng papel.
Ano yun? Parang pamilyar. 

Kaya naman pala.

Mga sulat at tulang para sayo iniiyakan mo. Mga liham at diary entries nung tayo pang mga sinulat ko. Tangna ! Wag kang umiyak pero buti nga sayo. Ganun kita minahal dati. Mga nararamdaman ko inilagay ko dun.

Araw araw minahal kita.

Lumapit ako, tinignan ko nang mabuti mga sulat na iniiyakan mo. Sa bawat takbong papuntang isang pahina , umiiyak ka.

Sa likod mo napalingon ka, si tatay mo andun. Lumabas na sa kinatatayuan nya. Sabi nya " Sorry. " Mahal ka lang talaga nila pero di nila alam ganun ka pala nasasaktan. Ako din. Kung alam ko lang, mahal parin pala kita. Mahal parin kita kahit galit ako sayo. Mas mahal pa rin kita. Sana mahal mo rin ako. Sana sinabi mo. Sana hindi ganun. Sana tayo na lang ulit.

Parang tumigil yung oras ko sa mga nasaksihan ko.
Mahal kita.

Sa paggising ko sa realidad, wala ka na. Wala yung mga liham. Wala na yung pag iyak mo. Wala na yung chance. Walang wala ako kumpara sa nararamdaman ko. 

Gusto kong iyakan kita, gusto kong sabihing mahal parin kita. gusto ko pero natatakot ako. Ikaw yung taong tatawanan ako sa pagiging seryoso ko. Ako? Mahal mo rin pa ba ako.

Pano pag hindi na. Anong gagawin ko sa nararamdaman ko.

Lalakbay ang mga salitang dapat sasabihin ko sa hangin... sa pagtanggi mo, mananatili lang sila sa hangin...
Hindi sila mawawala,
Hindi sila makikita bagkus mararamdaman mo lang....
Anjan pero binabalewala lang. 

Ayokong maramdaman yun. Ayoko. Sa araw na ito, babangon ako nang maaga.

Titignan na lang yung mga mangyayare.
Mahal parin pala kita.
Tanga ko talaga at sana ganun ka. mangungusap ka rin ba sa hundred chances....
Ako , pa rin sana.

Search This Blog

 
BTEMPLATE BY D-BLOGS || (c) 2017/July3 - 2017 || EDITED BY ADJOURNB3